Humans of PBA - Ken Loyola

Humans of PBA - Ken Loyola

Hi, I'm Ken from Taytay, Rizal. I'm 25 years of age at i-share ko lang kung paano ako naging fan ng Magnolia.


Way back 2010, B-MEG days pa noon. Naghahanap ako ng magandang palabas na mapapanuod sa TV, tapos palipat-lipat lang ako ng channel hanggang sa nai-lipat ko sa basketball. Naalala ko, parang di pa sa TV5 nun ang PBA or sa TV 5 na ata. Basta 'yun, nakita ko na may laban ang B-MEG at pinanood ko kasi nandun si James Yap at iba pang mga players. Nagalingan ako sa kanila, kaya na-enganyo ako na manood hanggang sa maging idol ko na silang lahat at maging paborito ko ang koponan! Doon nagsimula ang pagiging fan ko at kada may laro sila, pinapanood ko na. Minsan nakukulelat sila sa standings pero lagi pa nga pasok sa playoffs. Madalas pa nga, sa semis at finals! Minsan talo, minsan panalo pero masaya ako naging fan ako kahit na sa bahay lang ako nakakanood dito sa may probinsya.


Dumating 'yun time na lumipat kami at tumira ako sa Taytay, Rizal. One time, nanood kami ng tatay ko ng laban -- SanMig Coffee na ang name ng team nun at nakapag-champion at nakapag-Grandslam sila ng 4 peat. Doon na rin ako nagstart makanood ng mga live games. Noong nagpalit sila ng name to Magnolia Star Hotshots, subaybay na subaybay talaga ako nun, especially kapag Manila Classico. Lagi akong present sa venue to support the team kapag ganun ang laro. May rivalry kasi sila ng Ginebra.


Sobrang saya na maging fan ng team na ito. Sinuportahan ko sila, di lang dahil sobrang sikat nila noon at maraming fans na dumadagsa lagi sa venue, dahil din may puso sila kung lumaban kahit sino ang kaharap nila. Fight lang sila ng fight! Kahit anong mangyari, solid lang tayo!


Manalo man o matalo, Purefoods-Magnolia for life!


#ExperiencePBA

#HumansofPBA

#AngBagongTambayan