#TeamNSD

#TeamNSD

We are the Barangay Ginebra San Miguel #TeamNSD, a fan-based group which aims to promote unity, equality, and camaraderie in uplifting the name of our favorite basketball team.


Most of us started watching live games alone. Until we realized na mas masaya pala mag-cheer kasama 'yun mga taong tulad niyo kung mahumaling sa Ginebra.



We started to create #TEAMNSD in which we aim to share this awesome PBA EXPERIENCE doon sa mga bago. Naniniwala kasi kami na marami ang katulad namin na all out magcheer at hindi nahihiya na magpakaloud sa bleachers and upperbox para maging malaking bahagi ng malupit na 6th man ng Ginebra. Nagyayaya kami sa FB group to watch with us, minsan sa mismong venue na namin nakikilala 'yun mga taong magiging parte pala ng aming pamilya.


Masasabi namin na nagsimula ang matinding rapport ng grupo noong Governor's Cup 2016, semis and finals season kung saan naging champion tayo after 8 years vs. Meralco. Hindi biro ang paghahagilap ng tickets at magreserve ng upuan para magkakatabi kami sa upperbox. Kung alam niyo lang kung anong klaseng trauma ang naidulot ng mga salitang "Sold-out" at "Upperbox SRO" sa amin haha. Yung mga fans na nag-iisa na doon lang namin na-meet ng biglaan, ngayon ay isa na sa mga matatalik naming kaibigan. Hindi namin akalain na ganito kahirap pero na-achieve naming masaksihan ng samasama ang buzzerbeater shot ni Justin Brownlee na napapaligiran ng torch lights. Hinding-hindi namin ito makakalimutan.



Eventually, nag-venture na din kami sa panonood ng practices and pag-attend ng Ginebra-related events tulad ng victory party, fans day, fans league, at mga meet and greet ng players - minsan kami mismo ang nag-organize (for Greg Slaughter's and Gregzillanatics and Jett Manuel's Jettmalu). Again, our goal is to let everyone experience how happy it is to be a part of the Ginebra-sphere. Gusto namin makilala nila kung gaano ka-genuine at ka appreciative ang mga players and staff sa mga fans na tulad namin. Sa ganitong paraan kasi namin mas lalong inidolo at minahal ang Ginebra.


Hanggang sa lumalim na ang samahan namin. Madaming swimming parties na din ang nagawa namin lalo na kapag off-season. Dahil sa mga ganitong pagkakataon, nakakaisip kami ng mga activities na hindi lamang kami ang matutuwa at makikinabang. Ipinagmamalaki namin that through the collaboration that we have developed during live games and events, we have put up a remarkable activity which is the #TEAMNSD Outreach. Hindi rin biro 'yun fund-raising activities namin para sa event na ito tulad ng "White Shirt For a Cause" last 2018 at ang kakatapos lang na "TEAMNSD Amazing Race". Nakakaproud na ang mga kasama namin sa group ay nakiki-isa sa ganitong klase ng activity kung saan hindi lang kami ang napapasaya kundi ang bata na nangangailangan ng kalinga. Actually, meron kaming upcoming outreach activity sa darating na Hulyo.



Ang mga Ginebra fans, may grupo man o wala ay nagkakaisa parin sa pagsigaw ng Ginebra Chant. Kagaya ng ibang Ginebra groups, we are welcoming all of those who would like to be part of us. Gustong-gusto namin kayo makilala at maging parte ng aming pamilya. Lahat naman tayo ay may isang circle kung tayo saan mas comfortable kaya basta Kabarangay or basketball fan, handang-handa kami at sobrang nais namin na makipagkaibigan sa inyong lahat.


Maraming salamat PBA! Maraming salamat Ginebra! Hindi niyo alam kung anong klaseng kasiyahan ang naidudulot sa amin ng PBA EXPERIENCE na ito.