Gilas Pilipinas humanap ng positibo sa talo kontra Italy

Gilas Pilipinas humanap ng positibo sa talo kontra Italy

  • Experience PBA
  • 2019-09-02 14:21:21

Naging bangungot para sa Gilas Pilipinas ang unang laban nila sa 2019 FIBA World Cup at natalo sila ng 46-points, 108-62, kontra sa Italy.


"We knew we were coming into this game as underdogs," sabi ni Gilas Pilipinas Head Coach Yeng Guiao


Dinagdag ni Guiao na sana mas maganda ang ipinakita ng national team sa kanilang laban.


Ang magandang laro ng mga PBA rookie na si CJ Perez ng Columbian Dyip at Robert Bolick ang nakitang positibo ni Guiao sa kanilang talo. Kasama na rin sa puri ng coach si Kiefer Ravena ng NLEX Road Warriors.


"CJ Perez is a rookie, got 15 points, played his heart out, as well as Robert Bolick and Kiefer," aniya ni Guiao. " If there is anything positive we can pick up from a bad loss like this is our young guys really gave it all."


Gumawa si Perez ng 15 points, 3 assists at 2 rebounds, samantalang si Bolick naman nagambag ng 6 points at 2 rebounds.


Ito ang unang beses na nakita ang laro ni Ravena pagkatapos ng 18-month suspension. Hindi inaasahan ng former Ateneo Blue Eagle na ganito ang mangyayari pero hinanap din ang positibo sa laro.


Para sa kanya, maganda na nakatikim ang Pilipinas, lalo na ang mga baguhan, paano maglaro sa international.


"We all have experience playing in the (FIBA) World Cup already. We got our feet wet in playing in the world stage," ika ni Ravena.


Nabanggit din ni Ravena na magandang aral sa mga Gilas players na huwag hantayin uminit o umasa kay Andray Blatche.


Nagtapos si Blatch at Perez ng tig-15 points habang si June Mar Fajardo naman gumawa ng 9 points.


Kumawala sa three-points ang Italy at 48 percent sila dito. Gumawa si Luigi Datome at Amadeo Delle Valle ng tig-17 points at sinundan ito ni Danilo Gallinari ng 16. Si Marco Belinelli dumagdag ng 9 points pati.


Serbia ang susunod na kalaban ng Gilas Pilipinas na may world ranking na No.2 sa Setyembre 2, 7:30pm ng Lunes. Sa Miyerkules naman ang kasunod na laro kontra sa Angola.