Gilas Pilipinas: Pwede makapasok sa Olympics gamit ang FIBA World Cup

Gilas Pilipinas: Pwede makapasok sa Olympics gamit ang FIBA World Cup

  • Experience PBA
  • 2019-08-30 14:46:06

Makalipas ang ilang buwan na paghahanda, ang Gilas Pilipinas ay sasabak na sa 2019 FIBA World Cup. Hindi biro ang makakalaban nilang mga koponan mula sa Serbia, Italy at Angola.


Bagamat mahirap ang daang tatahakin upang makarating sa second round ang Gilas Pilipinas, gagawin pa rin nila ang kanilang makakaya para makakuha ng pinakamataas na posisyon sa standings.


Ginagawa ng Gilas Pilipinas na inspirasyon ngayon ang possibilidad na makapasok sa Olympics gamit ang 2019 FIBA World Cup.


Paano? Depende na sa mga kasamahang koponan sa Asia lalo na ang China.


"Just in case hindi rin makapasok ang China sa next round then we have to compete for the best placing in Asia. Baka makalusot tayo sa Olympics," aniya ni Coach Yeng Guiao.


Ka-bracket ng China sa 2019 FIBA World Cup ang Poland, Cote d'lvoire at Venezuela.


Kapag nakapasok ang Pilipinas sa susunod na round at natanggal ang China, malaki ang pag-asa na mapasama sa Olympics ang Gilas Pilipinas.


Kung parehong natanggal ang China at Pilipinas sa unang round pa lamang, kailangan mas mataas ang ranking ng Gilas sa classification games.


Ngunit ang pinakalayunin pa rin ng Gilas ay ang pagbutihan ang paglalaro sa kanilang grouping.


"That is also at the back of our minds, but as of now, we have very little control of that," sabi ni Guiao. "Ang tingin ko, advantage din ang China doon sa best finish kasi magaang grupo nila but it is worth pursuing."


Kukuha ng lakas ang Pilipinas sa mga dasal ng kanilang mga kababayan na ang ilan ay lilipad pang papunta ng Tsina para bigyan ng suporta ang national team.


"We will rely on a lot of Filipino basketball fans flying to China. Merong grupo na talagang naghanda at nag-ipon to be in China to be in our games," sinabi ni Guiao.


Unang makakalaban ng Gilas Pilipinas ang Italy sa Sabado, Agosto 31, 7:30pm. Susunod naman ang Serbia sa Setyembre 2 at ang Angola sa Setyembre 4.